MANILA, Philippines - Dapat na umanong mangumpisal si Janet Lim Napoles, ang utak sa P10 bilyong pork barel scam at isiwalat na ang totoo at kung sinu sino pang sangkot sa nasabing kontrobersiya.
Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, sa sandaling malaman ang katotohanan ay maaari nang ibalik ang pera ng bayan na kinamkam nito mula sa masamang paraan.
Aniya, maraming Pinoy ang naghihikahos at naÂngaÂngailangan ngayon ng agarang tulong.
Sinabi pa ng Obispo, napapanahon na para ikumÂpisal ni Napoles ang kanyang mga kasalanan at ilantad ang mga dapat na managot sa naturang katiwalian.
Si Napoles ay hawak na ngayon ng mga awtoridad matapos na sumuko kay Pangulong Noynoy Aquino noong Miyerkules, ikinulong sa Makati City Jail at anumang oras ay ililipat sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.