Bading ‘di nagbayad, tinaga ng lover

MANILA, Philippines - Sugatan at kasalukuyang nakaratay sa United Doctors Medical Center (UDMC) ang isang 33-anyos na diumano’y bading, matapos tagain ng kaniyang lover dahil umano sa di pagtupad sa kasunduan o bayaran sa kanilang pagtatalik, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jerome Rey Espanola, 33-anyos, negosyante at Residente ng no. 641 3rd floor, sa E. Quintos st., Sampaloc, Maynila.

Pinipigil pa sa station 4 ang suspect na kinilalang si Rosel Cuason, 29 anyos, walang trabaho, may-asawa  ng no. 2115 F. Huertas st., Sta. Cruz, Manila. Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang 18 pulgada ng jungle bolo na ginamit sa pananaga sa biktima.

Ayon kay Manila Police District-Station 4chief, P/Supt. Santiago Pascual, hindi pa nila maisalang sa inquest proceedings ang suspect dahil tumatanggi pang magharap ng reklamo ang biktima.

Naganap  ang insidente sa bahay ng biktima dakong alas-11:00 ng gabi, kamakalawa (Huwebes).

Pinabulaanan na rin ni Pascual na nagkaroon ng hostage taking incident dahil hacking incident lamang ang nangyari, batay na rin sa spot report na hawak niya.

“Kaya lang siguro walang makitang report ng hostage incident kasi nga hacking incident yun, walang nangyaring hostage,” ani Col. Pascual.

Show comments