^

Police Metro

DepEd employee tinodas sa iskul

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na empleyado ng Department of Education  ng di kilalang suspect sa loob mismo ng eskwelahan sa San Francisco, Agusan del Sur nitong Huwebes ng hapon.

 Kinilala ang nasawing biktima na si Rico Amora Tiu, residente ng Purok-1, Brgy. 3, ng nasabing lalawigan. Sa ulat ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, alas-4:30 ng hapon ng maganap ang pamamaril  sa San Francisco Pilot Elementary School, kung saan kadarating lamang ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo.

Agad umanong lumapit ang suspect at  saka pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumulagta ito sa tatlong tama ng bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang suspek na sinamantala ang pagkakagulo ng mga guro at tao.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang biktima ay nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa illegal na droga.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

 

AGUSAN

BRGY

DEPARTMENT OF EDUCATION

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HUWEBES

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

RICO AMORA TIU

SAN FRANCISCO

SAN FRANCISCO PILOT ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with