MANILA, Philippines - Inihayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago na may limang requirements para maging state witness ang isang akusado kung saan hindi ito dapat ang “most guilty†sa kinaÂkaharap na paglilitis.
Kung kaya’t hindi maÂaring gawing state witness si Janet Lim Napoles, ang pangunahing suspek sa P10 bilyon pork barrel funds scam kung saan nalustay ang pondo ng bayan sa mga ghost proÂjects ng mga pekeng non-government organizations (NGOs).
Sinabi pa ni Santiago mahirap ding mapatunaÂyan na hindi “most guilty†si Napoles na sinasabing naging daan para mapunta sa mga pekeng NGOs ang pork barrel funds ng ilang senador at congressmen.
Iginiit din ni Santiago na kung magdedesisyon ang interagency anti-graft coordinating council na sampahan ng plunder si Napoles at mga tauhan nito, dapat ay sampahan din ng kasong plunder ang limang senador at 23 congressmen na pinangalanan sa media base sa mga affidavits ng mga empleyado ni Napoles.
Ang limang requirements para maging state witness ang isang akusado base sa umiiral na Rules of Court ay “absolute necessity†para sa testimonya ng akusado; walang ibang direct evidence na maaring magamit ang prosekusyon kaugnay sa nangyaring krimen maliban sa testimonya ng akusado; ang testimonya ng akusado ay maaaring masuportahan ng material points; hindi ang akusado ang “most guiltyâ€; at hindi sumasaÂilalim ang akusado sa imbestigasyon kaugnay sa “moral turpitude†at sa kaso ni Napoles ay siya ang lumalabas na “most guiltyâ€