^

Police Metro

Napoles ‘di pUwedeng state witness – Miriam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago na may limang requirements para maging state witness ang isang akusado kung saan hindi ito dapat ang “most guilty” sa kina­kaharap na paglilitis.

Kung kaya’t hindi ma­aring gawing state witness si Janet Lim Napoles, ang pangunahing suspek sa P10 bilyon pork barrel funds scam kung saan nalustay ang pondo ng bayan sa mga ghost pro­jects ng mga pekeng non-government organizations (NGOs).

Sinabi pa ni Santiago mahirap ding mapatuna­yan na hindi “most guilty” si Napoles na sinasabing naging daan para mapunta sa mga pekeng NGOs ang pork barrel funds ng ilang senador at congressmen.

Iginiit din ni Santiago na kung magdedesisyon ang interagency anti-graft coordinating council na sampahan ng plunder si Napoles at mga tauhan nito, dapat ay sampahan din ng kasong plunder ang limang senador at  23 congressmen na pinangalanan sa media base sa mga affidavits ng mga empleyado ni Napoles.

Ang limang requirements para maging state witness ang isang akusado base sa umiiral na Rules of Court ay “absolute necessity” para sa testimonya ng akusado; walang ibang direct evidence na maaring magamit ang prosekusyon kaugnay sa nangyaring krimen maliban sa testimonya ng akusado; ang testimonya ng akusado ay maaaring masuportahan ng material points; hindi ang akusado ang “most guilty”; at hindi sumasa­ilalim ang akusado sa imbestigasyon kaugnay sa “moral turpitude” at sa kaso ni Napoles ay siya ang lumalabas na “most guilty”

AKUSADO

IGINIIT

INIHAYAG

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

RULES OF COURT

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with