2 tinamaan ng leptos sa Pasay

MANILA, Philippines -Iniulat ng Pasay City Health Department na dalawang lalaki ang tinamaan ng sakit na leptospirosis sa lungsod makaraan mababad sa maruming tubig-baha.

Sinabi ni Julio Alejandro, surveillance officer ng City Health Office, nagmula ang isa sa pasyente sa Brgy. 184 sa Maricaban habang ang isa pang pas­yente ay buhat naman sa Rivera Village, Brgy. 199, na pawang inabot ng matinding pagbabaha noong nakaraang bagyong Maring at Habagat.

Unang isinugod sa Pasay City General Hospital at inilipat sa San Lazaro Hospital ang dalawang pasyente na may edad 30-35 anyos.  Nasa maayos na kundisyon na umano ang mga ito.

 

Show comments