Kada 2 oras may 8 kaso ng HIV… pakikipag-sex ng lalaki sa kabaro lumobo
MANILA, Philippines -Bigyang prayoridad ang pagresolba sa tumataas na kaso ng HIV-AIDS sa bansa partikular na ang pakikiÂpagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.
Ito ang hiniling ng pamunuan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa lahat ng local government units (LGUs).
Inihayag ni Gerard Seno, executive vice president ng Associated Labor Unions-TUCP na malaki ang gagampanang papel ng mga local pamahalaan sa pagkalat ng AIDS-HIV lalo na sa mga kabataan sa buong bansa sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo, paggawa ng mga batas at pag-aalaga sa mga constituent na mayroon nang nasabing sakit.
Sa isang pag-aaral na ginawa ng Philippine National Aids Council (PNAC) at batay sa Department of Health (DOH) na may isang Filipino ang infected ng AIDS kada dalawang oras o 8 kaso ng HIV sa loob ng 10 araw partikular sa mga kalalakihan na nakikipag-sex sa kapwa lalaki na karamihan ay may edad 15 hanggang 34-anyos.
Binigyang diin nito na kapag nagpatuloy ang pagdami ng pagkakaroon ng naturang sakit, higit pa sa 3,338 kaso noong nakaraang taon ang maitatala sa bansa.
- Latest