MANILA, Philippines - Upang matiyak ang seguridad ng mga dadalo sa ilulunsad na 1-million march o anti-pork rally sa Quirino Grandstand o Luneta Park ngayong araw, ay babantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police.
Sinabi ni PNP Public Information Officer (PIO) Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, naisa-ayos na ang lahat upang matiyak na magiging maÂpayapa at maayos ang isasagawang kilos protesta ng mga individual na ayaw sa pork barrel.
Ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 2,000 pulis ang ipapakalat sa palibot ng Luneta upang magbigay ng seguridad sa dadalo sa rally.
Magtatalaga rin ang PNP ng ‘augmentation teams’ mula sa mga preÂsinto na maaring tumulong sa pangangalaga ng kaayusan at pagbabantay sa iba pang lugar sa Metro Manila.
Pinaghahandaan din ng PNP ang posibleng pagpunta ng mga raliyista sa tulay ng Mendiola at iba pang lugar sa Maynila na posibleng pagdausan nila ng kilos protesta.
Maglalagay din ‘cordon’ ang NCRPO sa paligid ng Luneta upang maging maayos ang daloy ng mga partisipante at matiyak na walang manggugulo sa “Million People March Against Pork Barrelâ€.
Iginiit naman ni NCRPO-PIO Chief Insp. Robert Domingo na wala naman silang namo-monitor na banta kaugnay sa kilos protesta, pero kung mayroon man ay nakahanda pa rin sila sa anumang kaganapan.
Una ng sinabi ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na magpapatupad sila ng ‘full alert status’ kaugnay ng magaganap na rally.