MANILA, Philippines - Utas ang isang neÂgosyanteng giÂnang habang sugatan ang anak nito makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilaÂlang suspek habang ang biktima ay nagbabantay sa kanyang auto supply shop sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay kinilalang si Rosalia Tan, 74, habang sugatan naman ang anak nitong si Winston Tan, 46, na kapwa residente ng #23 Kabignayan St., corner Banawe, Brgy. Tatalon sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, nabatid na ang insidente ay naganap sa Arwin auto supply shop na matatagpuan malapit sa bahay ng pamilyang Tan, ganap na alas-3:15 ng hapon.
Ayon sa report, habang abala sa pagbabantay at pag-aasikaso ng kaÂnilang mga costumer sa shop ang mag-ina nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-saÂbing pinagbabaril ang dalawa.
Matapos ang krimen ay mabilis na tumakbo ang suspek para tumakas habang ang mag-ina ay isinugod naman sa Delos Santos Hospital pero hindi na umabot ng buhay ang ginang habang ang anak nito ay patuloy pang ginagamot sa nasabing pagamutan.
Kapwa nagtamo ng tig-iisang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan ang mag-ina.
Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang krimen sa naganap na masaker noong July 2012 sa nasabing lugar kung saan nadakip at nakasuhan ang mga salarin.
Sinabi ni SPO2 Zalrarriaga, lahat ng posibleng anggulo ay kanilang titingnan sa naganap na krimen para maresolba ang kaso at madakip ang tumakas na salarin.