^

Police Metro

Single mom pinatay sa daan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng dalawa sa tatlong lalaki ang isang 38-anyos na single mother na kanilang hinarang sa daanan kamakalawa ng gabi sa Na­votas City.

Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Maria Leonora Tongco, ng Pescador 2, North Bay Boulevard North, ng lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi ay mag-isang naglalakad ang biktima sa Miguel St., nang harangin ng tatlong lalaki at isa dito ang bumunot ng baril at binaril sa ulo ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima ay nilapitan ito ng isa pang suspek at binaril naman sa katawan habang nagsilbing look-out ang ikatlong suspek.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang tatlong suspek.

Nakatuon ang imbestigasyon ng pulisya sa iligal na droga.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

BINARIL

MARIA LEONORA TONGCO

MIGUEL ST.

NAKATUON

NANG

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

PESCADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with