Binata binasted lumaklak ng lason
MANILA, Philippines - Hindi umano matanggap ng isang 23-anyos na binata ang ginawang pagbasted sa kanya ng dalagang sinisinta kung kaya’t nagawa nito na tapusin ang buhay sa pamamagitan nang paglaklak ng silver cleaner naganap kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima na nakilalang si Jestoni Santos, delivery boy at stay-in sa #552 Fabella St., Bagong Silang ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kasamahan sa trabaho ang biktima na nakandusay sa loob ng banyo ng kanilang tinutuluyang barracks na bumubula ang bibig at kaÂtabi nito ang isang bote ng silver cleaner na wala ng laman.
Sa salaysay ni Jovan Fanisan, 23, bago nangyaÂri ang pagpapakamatay ay nilapitan umano siya ng biktima at nagsabing magpapakamatay.
Hindi umano pinansin ni Fanisan, sa akalang nagÂbibiro lang ito dahil kilala nila itong mapagbiro lalo na sa oras ng kanilang trabaho.
Idinagdag pa ng isang pang kasama sa trabaho na nakita niyang umiiyak ang biktima at nang tanungin umano niya ito ay sinabing binasted siya ng kanyang nililigawang dalaga.
Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa kaso upang mabatid kung may foul play sa pagpapaÂkamatay ng biktima.
- Latest