P633-M napinsala ni Maring/habagat
MANILA, Philippines - Mahigit umano sa P633 milyon ang iniwang pinsala habang tumaas na rin sa 21 katao ang death toll na iniwan ng pinagsamang delubyo ng habagat at bagyong Maring sa mga apektadong lugar sa Luzon, ayon sa opisyal kaÂhapon.
Sa ulat ni National DiÂsaster Risk Reduction and Management CounÂcil (NDRRMC) Executive DiÂrector EduarÂdo del Rosario, nakaÂpagÂtala ang ahensya ng P633,082,850.88 pinsala kabilang dito ang P138,139,781.05 sa imprastraktura at P494,943,069.83 naman sa agrikultura.
Tumaas naman sa 21 katao ang naitalang nasawi habang 30 ang nasugatan at apat pa ang nawawala.
Sa nasabing bilang , 12 sa mga nasawi ay mula sa CALABARZON, walo sa Central Luzon at isa pa mula naman sa Metro Manila.
Nasa 248 namang kaÂbahayan ang nawasak at 356 naman ang napinsala sa insidente habang nasa 500 namang lugar sa 51 bayan at lungsod sa Ilocos, Central at Southern Luzon at Metro Manila ang may mga lugar pa ring hindi bumababa ang tubig baha.
Habang nasa 58 namang highway at isang tulay ang hindi madaanan ng mga behikulo.
- Latest