^

Police Metro

Sinuwag ng truck… Joy ride: 3 dalagita todas, 1 kritikal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na dalagita na sakay ng isang motorsiklo ang sinalpok ng kasalubong na truck sa highway ng San Luis, Aurora na ikinasawi ng tatlo habang kritikal ang isa naganap kamakalawa.

Nasawi noon din sina Novelyn Budoy, 17; Kathlyn Sagala, 17 at Kimberly Abriam, 15. Habang nasa malubhang kalagayan si Norie Anne Budoy, 15.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali ay magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo at binabaybay ang nasabing highway patungo sa kapitolyo ng Baler, Aurora.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at hindi napansin ang kasalubong na truck na minamaneho ni Dionisio Rebolido, 47-anyos.

Nabigo umanong iwa­san ni Rebolido, ang motorsiklo ng mga biktima at sa bilis ng pangyayari ay tuluy-tuloy itong nasal­pok.

Nagtalsikan ang mga biktima sa lakas ng pagkakasalpok sa kanila na agad ikinasawi ng tatlo.

Ang suspek ay nakapiit sa detention cell ng San Luis Police at nahaharap sa reckless imprudence resulting to 3 counts of homicide at physical injury.

vuukle comment

APAT

BATAY

DIONISIO REBOLIDO

KATHLYN SAGALA

KIMBERLY ABRIAM

NORIE ANNE BUDOY

NOVELYN BUDOY

SAN LUIS

SAN LUIS POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with