^

Police Metro

‘Maring’ lumabas na, habagat ratsada pa rin

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Iniulat ng PAGASA na lumabas na ng bansa ang bagyong Maring kahapon ng alas-7:00 ng umaga, subalit patuloy naman ang paghataw ng hanging habagat na siyang nagpapaulan sa Metro Manila at iba pang lugar kasama na ang Luzon.

Si Maring ay namataan kahapon ng alas-11:00 ng umaga sa layong 500 kilometro ng hilagang si­langan ng Itbayat Ba­tanes taglay ang lakas ng hanging 500 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hanging 135 kilometro ba­wat oras.

Si Maring ay patuloy na kumikilos pa timog kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Katamtaman naman ang pag-uulan sa  Kanlurang Visayas at sa Mindanao dulot naman ng thunderstorms.

Patuloy na pinag-ii­ngat ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa  mga binabahang lugar sa pag­guho ng mga lupa o landslides at flashfloods dahil sa patuloy na pag uulan.–

INIULAT

ITBAYAT BA

KANLURANG VISAYAS

KATAMTAMAN

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

PATULOY

SI MARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with