MANILA, Philippines -Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis nang mabaril ng kanyang misis na isa din pulis haÂbang nag-aagawan sa baril sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.
Ang biktima ay nasawi dahil sa tama ng bala sa sikmura na tumagos sa likod ay kinilalang si PO1 George Verbo, 37, nakaÂtalaga sa Quezon City Police District-Fairview Station na kasalukuyang suspendido ng tatlong buwan dahil sa kasong robbery/extortion.
Inaresto naman ang misis nitong si PO1 GeÂmalyn Verbo, 34, na nakaÂtalaga din sa nasabing isÂtasyon.
Batay sa ulat, bago ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-asawa na matatagpuan sa No. 101 Sampaguita Road Extension, Barangay Payatas A, Quezon City ay sinita ni Gemalyn ang mister dahil sa paglalasing na naman ito kasama ang bayaw na si Gaylord MaÂborang.
Nabatid na simula nang masuspinde sa trabaho si George ay madalas na itong maglasing sa kabila nang paulit ulit na pagsabihan ito ng asawa.
Hindi nagustuhan si George ang pagsita ng misis kung kaya’t nagkaÂroon ang mag-asawa nang mainitang pagtatalo hangÂgang sa tinangka ng lalaki na kunin ang service fire arm na 9mm caliber Glock 17 ng misis na nasa handbag, subalit hindi nakuha.
Kaya’t ipinasya ni GeÂmalyn na lumabas ng kanilang bahay at magÂpunta sa harap ng kaÂniÂlang tindahan na sinunÂdan naman ng lalaki at sinimulan nang saktan.
Inawat ang mag-asawa ng kanilang kasambahay na si Evangeline Coma, subalit sinuntok siya ni George sa mukha.
Habang nasa kaguÂluÂhan ay nagawang mailabas ni George ang baril mula sa bag ng misis hanggang magpambuno silang mag-asawa at pumutok ang baril na tumama sa lalaki.