MANILA, Philippines - Sanhi ng pagbaha dulot ng bagyong Maring ay nasa tatlumpong katao kabilang ang 13 na mga estudyanteng Hapones at kanilang mga tourist guide ang na-trap sa Sumaguing Cave sa Sagada, Mt. Province.
Sinabi ni Supt. Davy Vicente Limmong, Spokesman ng Cordillera Police, 29 sa mga biktima ay nailigtas na kamakalawa ng gabi hanggang dakong alas-6:00 ng umaga kahapon ng mga pinagsanib na elemento ng PNP, Office of Civil Defense, Bureau of Fire Protection at ng mga Local Government Units (LGUs) matapos na bahagyang humupa ang baha sa lugar. Kinilala ang mga biktima na sina Atsushi Ito, 30; Yoshitaka Onoe, 23; Saika Furukawa, 21; Sakuda Hikaru, 28; Mutsimi Sato, 30; Koichi Sato, 33; Takuto Horita, 28; Ayumi Shimamura, 25; Keitaro Yuda, 35; Sayori Shirai, 23; Yuka Morita, 31; Yuka Nakamura, 32; at Naomi Yusakawa.