P-noy ayaw lusawin ang pork barrel

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ikinakasang protesta tungkol sa pag-abolish ng ‘pork barrel’ sa darating na Agosto 26 na gaganapin sa Luneta ay hindi pabor dito si Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Sa isang ambush interview sa Ateneo De Manila University, sinabi ng Pangulo na hindi naman lahat ng mambabatas ay ginagamit sa maling paraan ang kanilang priority development assistance fund (PDAF).

Ayon sa Pangulo na sa COA report ay may iilang pangalan lang ang dawit sa anomalya at hindi naman lahat ng kong­resista.

Dapat lang anya na higpitan ang proseso at ayusin paggamit ng pork barrel ng mga mambabatas at pinauubaya lamang niya sa COA at iba pang ahensiya ang pag-iimbestiga o pagsusuri sa mga irregularidad sa pork barrel.

Ibinida ng Pangulo na gumanda na ang proseso sa ilalim ng kanyang admi­nistrasyon at sa katunayan ay malaki na umano ang nabawas sa mga bogus na NGOs at hindi accre­dited.

Show comments