Banggaan ng 2 barko... 39 na ang patay
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 39 na katao ang kumpirmadong patay, 85 pa ang nawawala at patuloy na pinaghaÂhanap ang sakay ng M/V St. Tomas Aquinas, na nabangga ng Sulpicio Express 7, sa karagatan ng Lawis Ledge, Talisay, Cebu.
Sa pagdalo ni PCG spokesman Lt. Cmdr. Armand Balilo, sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, Sampaloc, Maynila, sinabi nito na 751 na ang naililigtas ng mga technical divers ng pamahalaan at mga volunteer divers.
Batay sa Master’s Declaration of Safe Departure (MDSD), nasa 664 ang pasaherong matatanda; 28 ang mga bata; 23 ang sanggol habang nasa 116 naman ang crew na may kabuuang 831.
Ayon kay Balilo, sa ngayon ay grounded na o hindi na pinapayagang maglayag pa ng may 16 na barko ng Philippine Span Asia Carrier Corp (dating Sulpicio Lines) makaraang masangkot sa trahedya ang isa na naman nilang barko na M/V Sulpicio Express 7 at ang 8 barko ng 2GO (daÂting Negros Navigation) na siyang may-ari ng M/V St. Thomas Aquinas.
Kinumpirma rin ni Balilo ang oil spill o tagas ng langis mula sa lumubog na barko. Sinasabing nasa 11 coastal barangay ang apektado ng oil spill.
Sa ngayon ay nagsasagawa na rin ang PCG ng chemical dispersal sa paÂngunguna ni PCG Central Visayas Commander Commodore William Melad.
Isusunod na rin ng PCG ang pagtugon sa paglilinis sa mga baybayin ng Cordova na pinakaÂapektado ng oil spill.
- Latest