Salvage victim nakita sa Taguig

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa Taguig City, kahapon ng mada­ling araw.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at tinatayang nasa edad na 30-35 gulang,  nakasuot ng kulay pulang sando at navy blue short pants, katamtaman ang pangangatawan.

Base sa report ng Ta­guig City Police, dakong alas-3:20 ng madaling araw, nakatanggap ng ulat ang barangay security force ng Barangay Na­pinda na isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga residente sa Purok 5 Extension, Labao St., ng naturang barangay.

Kaagad na nagres­ponde ang mga kagawad ng Taguig City Police sa naturang lugar at doon nga nakita ang biktima na tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

May mga pasa at galos din sa katawan ang biktima na indikasyong pinahirapan muna bago tuluyang pinaslang.

 

Show comments