MANILA, Philippines - Hindi inaabandona at hindi binabalewala ng gobyerno si Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari sa ginagawang 1996 Final Peace Agreement na pinirmahan ng gobyerno at ng MNLF.
Bagama’t tumangging magkomento sa napaulat na pagdedeklara ng independence ni Misuari, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ‘committed’ ang gobyerno na tuparin ang obligasyon nito sa peace agreement.
Wala rin umanong intension ang gobyerno na iabandona ang Final Peace Agreement.
“What we can say, at least from the end of the government, committed po tayo to fulfill our obligations doon sa 1996 Final Peace Agreement po natin na pinirmahan with the MNLF, at wala ho tayong intensiyon na i-abrogate or i-abandona ‘yung Final Peace Agreement with them. At patunay ho niyan ‘yung pagpatuloy po nung mga positive engagements po natin with the MNLF mula pa ho ‘yan noong 2010,†pahayag ni Valte.
Sinabi pa ni Valte na palagi namang iniimbitahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process si Misuari tungkol sa implementasyon ng Final Peace Agreement sa MNLF.
Pero ipinahiwatig din ni Valte na hanggang kahapon ay biniberipika pa ng Malacañang kung ano talaga ang naging pahayag ni Misuari.
Nauna rito nagpalabas na rin ang OPAPP ng pahayag na nananatili ang gobyerno na committed para tumarin ang 1996 Peace Agreement.