^

Police Metro

US diver na nakahanap sa bangkay ni Robredo dedo sa sekyu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabog ang mukha ng isang American “technical diver” na nakahanap sa bangkay ng yumaong dating Department Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo nang barilin ng security guard ng tinutuluyang subdibisyon, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Namatay noon din ang  biktima na kinilalang si Matthew Caldwell, 59-anyos, isa sa direktor ng Allegro Company at nanunuluyan sa Block 20, Lot 45-46 Hamilton Heights Subd., Brgy. Talon V, ng lungsod.

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinila­lang si Ericson Blacquio, tauhan ng South Star Security Agency at naninirahan sa Sampaloc Site, BF Homes, Parañaque City.

Bago naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng gabi sa main gate ng subdibisyon ay sakay  ang biktima ng kanyang Toyota Corolla sedan (TTS-316) kasama ang live-in partner na si Jeanalyn Flora, 36, at papasok sana sa subdibisyon nang harangin ng suspek na si Blacquio at pagbawalan na makapasok dahil sa kautusan umano ng Homeowners Association dahil sa matagal nang hindi nakakabayad ng “monthly dues” nito.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa puwersahang tinanggal ng Amerikano ang nakaharang na kahoy sa gate hanggang sa mainis ang suspek at binaril sa mukha.

vuukle comment

ALLEGRO COMPANY

ERICSON BLACQUIO

HAMILTON HEIGHTS SUBD

HOMEOWNERS ASSOCIATION

JEANALYN FLORA

JESSE ROBREDO

LAS PI

MATTHEW CALDWELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with