MANILA, Philippines - Nasa 19 tracker team ang binuo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) bilang pakikiisa sa NBI sa pagtugis sa ngayo’y itinuturing ng pugante ng batas kaugnay ng pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam ng kontrobersyal na si Janeth Lim-Napoles at kapatid nitong si Reynald Lim.
Ang nationwide manhunt ay ikinakasa matapos nilang matanggap ang kopya ng arrest warrant mula sa korte laban sa magkapatid.
Nanawagan ang hepe ng PNP-CIDG sa publiko sa bawat probinsya na tumulong sa paghahanap kay Napoles at Lim upang malitis ang mga ito ng batas.
Nilinaw naman ng opisyal na walang kaugnayan ang kanilang pagtugis sa magkapatid sa isyu ng P10 bilyong pork barrel scam manapa’y dahilan sa hiwalay na asuntong illegal detention na isinampa laban sa kanila ni Benhur Luy, whistleblower ng nasabing scam.
Inihayag ng opisyal na iisa-isahin nila ang nasa 28 mansion at mga lugar na pinupuntahan ni Napoles upang mapabilis ang pag-aresto laban sa magkapatid.
Samantala, umaabot sa 30 sasakyan ang umano’y pagmamay-ari ni Napoles ang inilabas ng Department of Justice kasabay ng ginagawang pagtugis ng National Bureau of Investigation (NBI) dito.
Kabilang sa mga ito ay ang BMW (BMW 35); Porsche Cayenne; Chevrolet Tahoe; Crosswind Pearl; Estrada Pick up; Ford E150; Ford E150; GMC Savana; Honda Civic; Honda CRV; Hummer; Isuzu; L-300; Land Rover Defender; Mercedes Benz; Lincoln Navigator; Pajero; Range RoÂver Autobiography; Starex; Suzuki; Suzuki; Suzuki; Toyota Alphard; Toyota Altis; Toyota Hi Lux; Toyota Innova; Toyota Innova; Toyota Land Cruiser; Toyota Previa at Toyota Vios
Ang mga nasabing sasakyan ang maaaring gamitin ni Napoles sa kanyang pagpunta sa kanyang mga kaibigan o pamilya.