MANILA, Philippines -Kasong homicide ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa madugong insidente sa Balintang Channel noong Mayo.
Ayon kay NBI DirecÂtor Nonnatus Rojas, naihain na nila ang kaso sa National Prosecution Service ng DOJ.
Matatandaan na una nang inirekumenda ng NBI na masampahan ng kasong homicide ang waÂlong miÂyembro ng PCG na kinabibilangan nina Commanding Officer Arnold Dela Cruz, SN1 Edrando Quiapo Aguila, SN1 Mhelvin Bendo, SN2 Nicky Reynold Aurello, SN1 Andy Gibb Ronario Golfo, SN1 Sunny Galang Masangcay, SN1 Henry Baco Solomon at PO2 Richard Fernandez Corpuz.
Kasong obstruction of justice naman ang isinampa laban kina SN1 Marvin Ramirez at Lt. Jr Grade Martin Bernabe.
Matatandaan na isang mangingisdang TaiwaÂnese ang nasawi nang pagbabarilin ng mga tauhan ng Coast Guard ang kanilang bangkang pangisda noong May 9, 2013.