MANILA, Philippines -Nilinaw ng management ng Boracay West Cove na isang demolition job ang mali at malisyosong mga balita na patuloy ang operasyon sa kabila ng kaÂwalan ng karampatang environmental clearance mula sa national at lokal na pamahalaan ng Malay, Kalibo, Aklan.
Ayon kay Cris Aquino, CEO ng Boracay West Cove, ang kanilang world-class service sa mga Filipino at foreign beach-lovers ang ugat ng galit ng mga taong nagkakalat ngayon ng black propaganda sa media at iba pang social networking sites.
Lahat ng imprastraktura sa resort ay naitayo alinsunod sa Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAg-T) mula sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ayon sa L.C. Map No. 36-42 na nakapaloob sa Proclamation No. 1064 na ibinigay ng DENR noong Dec. 23, 2009, at may bisa sa loob ng 25 taon.
Nagtataka si Aquino kung bakit sila ay pinag-iiÂniÂtan at pinupuntirya ng isang kilalang radio broadcaster gayung pinaghirapanng pagandahin upang maihanay sa mga ipinagmamalaki nating world-class resorts gaya ng El Nido at Dos Palmas Resorts at hotels sa Puerto Princesa, Palawan.
Pinoprotesta rin ni Aquino ang di-makatarungang demolition na isinagawa ng otoridad sa Malay, Aklan base lamang sa mga expose ng isang brodkaster at iba pang mamahayag dahil sa umano sulsol ng ‘vested interests’.
Kamakailan ay natanggap ng West Cove ang Gold Award sa “International Star for Quality Leadership (ISQL) 2013†na ginanap sa Paris, France dahil sa galing at “world-class service at tourism promotions†nito na nakapagtala ng lagpas 40,000 turista.