MANILA, Philippines - Ilang metro lang ang layo mula sa Cotabato City Hall ang tatlong bomba na narekober ng mga otoridad kamakalawa ng gabi sa gitna na rin ng hindi pa nakakabangon ang lungsod sa malagim na epekto ng ‘car bomÂbing’ sa lungsod ng Cotabato noong Agosto 5 na kumitil ng buhay ng 8 katao habang 30 pa ang nasugatan.
Batay sa ulat ni CotaÂbato City Police Director P/Sr. Supt. Rolen Balquin, bandang alas-10:00 ng gabi nang maÂdiskubre ng isang basurero ang tatlong Improvised Explosive Device (IEDs) na nakasilid sa sako sa Malagapas Dumpsite sa Brgy. Rosary Heights 10 ng lungsod.
Agad namang nagresÂponde ang pinagsanib na elemento ng pulisya at ng Philippine Marines at narekober ang mga bomba na kinabibilangan ng dalawang gawa sa 60 MM habang ang isa pa ay isang 81 MM mortar na may cartridge na cell phone ang pang-detonate.
Pinaniniwalaang napiÂlitan ang mga bombers na abandonahin sa dumpsite ang mga bomba dahilan sa pinaigting na presensya ng pulisya at militar sa lungsod bunga ng nangyaring pambobomba dito noong nakalipas na Agosto 5.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pinagsanib na elemento ng pulisya at Task Force Kutawato ng militar upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagtatanim ng bomba.
Inihayag ng opisyal na ang lugar na pinaglagyan sa narekober na bomba ay may ilang metro lamang ang layo sa People’s PaÂlaÂce ng Cotabato City Hall.