MANILA, Philippine s - Suportado ng pamunuan ng Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI) ang kampanya ni Pangulong Noynoy Aquino para sa National Greening Program (NGP) para mamantine ang mga luntian at indigenous forest tree species sa buong bansa.
Ayon kay MSBFI president Leonardo Ligeralde, ang 7 ektaryang lupa sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue ay nananatiling tanging green spot mula sa kahabaan ng Edsa mula Monumento sa Caloocan City at Baclaran sa Pasay City ay nagkakaroon ng mga serbisyong tulad ng seedling production, reforestation, agroforestry, tree farming, composting, charcoal making at tree maintenance .
Kabilang anya sa tree maintenance ang pruning, tree removal, stump remoÂval, earth balling, transplanting at tree surgery na matamang pinangangasiwaan ni environmentalist Dr. Isidro Esteban, ang foÂrest consultant ng MSBFI’s at tree doctor.
Sa September ay ipinagdiriwang ng MSBFI ang ika-36 taong anibersaryo nito.
Sinabi ni Ligeralde na sa ngayon ay pinalawak ang serbisyo ng seedling bank tulad ng consultancy, research services at extension para sa first class environmental center. Tumutulong din sila sa pananaliksik ng mga unibersidad tulad ng Ateneo De Manila University, University of Santo Tomas at ng University of the Philippines.
Bilang pagsuporta anya sa NGP ng pangulong Aquino ang MSBFI ay nakikiÂpagtulungan sa DENR para sa pagtatanim ng may 5,750 seedlings ng forest tree species tulad ng ilang-ilang, saging, Palawan cherry sa Pangasinan State University sa Infanta, Pangasinan.
Mayroon ding “Gulayan sa Barangay’’ project ang MSBFI sa may 142 barangays sa QC na kakikitaan ng mga gulay na ampalaya, pechay, tomato, mustard, kangkong, squash, okra, sili, talong at stringbeans.