Pinalayas ni misis... Mister nagbigti sa hotel

MANILA, Philippine s- Nagbigti ang isang mister sa loob ng isang hotel makaraang palayasin ng kanyang misis nang sila ay magkaroon ng tampuhan na naganap sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima mula sa nakuhang identification card sa katawan nito na si Nicodemus dela Cruz Jr., 64 anyos, ng Block 10,  Lot 9,  Phase 4 , Straus St., North Olimpus Subdivision, Kaligayahan, Quezon City.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila  Police District-Homicide Section,  dakong alas-12:00  ng hapon  nang  madiskubreng patay ang biktima sa loob ng ino­kupahang  Room 203 sa Century Pension House, na matatagpuan sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Sinabi ng roomboy na  si Jimmy Basbas, dakong alas 6:00 ng umaga nang magcheck-in mag-isa ang lalaki na may dalang balikbayan box.

Sobra na umano sa kinuhang oras ang biktima kaya kinatok upang alamin kung mag-e-extend ng oras subalit walang sumasagot hanggang sa gamitan ng duplicate key ang kuwarto.

Nagulat ang roomboy nang makitang nakabigti sa nylon cord ang biktima sa kisame, tapat ng kaniyang kama.

Nang siyasatin ng  Scene of the Crime Operatives, nakuha ang  isang suicide note na nagsasabing hirap na hirap na siya kaya ipinasyang magpakamatay na lang dahil umano sa pagpapalayas sa kanya ng kanyang misis.

 

Show comments