MANILA, Philippines - Muli na namang niyanig ng pagsabog sa ikatlong pagkakataon ang rehiyon ng Mindanao simula noong Miyerkules nang sumabog ang isa pang bomba sa bayan ng Upi, Maguindanao kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Col. Custodio Parcon, Commander ng Marine Battalion LanÂding Team (MBLT) bandang alas-7:10 ng umaga nang yanigin ng pagsabog ang Sitio Payong-Payong, Brgy. Kebleg, Upi ng lalaÂwigan.
Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa insidente pero luÂmikÂÂÂha ito ng matinÂding pagÂpaÂpanik sa mga residente na hindi pa rin nakaÂkaÂrekober sa serye ng mga pagsabog sa lungÂÂsod ng Cagayan de Oro at Cotabato; pawang sa rehiyon ng Mindanao kaÂÂmakailan na ikinasawi ng 16 katao habang 78 ang nasugatan.
Isa umanong hindi pa nakilalang lalaki ang nagpasabog ng bomba sa Brgy. Kebleg na nagmaÂmadaling tumakas matapos ang insidente.