5 BIFF napatay sa engkuwentro

MANILA, Philippines - Napaslang ang 5 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang dalawang sundalo ang nasugatan nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mag­kabilang panig sa hangganan ng Aleosan at Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang ma­kasagupa ng Army’s 40th at 7th Infantry Battalions(IB) ang grupo ng BIFF.

Bago naganap ang sagupaan ay nasangkot ka­makalawa ng hapon ang BIFF sa panununog ng ilang mga kabahayan sa lugar kaya nagresponde ang tropa ng mga sundalo na nauwi sa bakbakan.

Nasa 200 pamilya naman ang nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan sa hangganan ng Brgy Tubak, Aleosan at Brgy. Buanan , Pikit , North Cotabato.

Ang BIFF na breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mahigpit na tutol sa peace talks.

Show comments