Cell phone na-overcharge: 4 bahay natupok
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na huwag iwanan ang cell phone na naka-charge upang hindi matulad sa apat na kabahayan na nasunog kamakalawa sa Brgy. Ligtong, Rosario, Cavite.
Batay sa ulat, ala-1:58 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Charlene Mendoza matapos mapabayaan ang naka-charge na cell phone.
Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay pa ang tatlong kabahayan nina Adelina Trajico; Rizaldy Trajico at Celia Balutan na kung saan ay aabot sa P200,000 ang naabong mga ari-arian.
Tinitingnan din ng mga imbestigador kung deÂpektibo ang charger na ginamit kung kaya maÂbiÂlis itong nag-init at suÂmabog.
Tumagal ng may isang oras ang nasabing sunog bago tuluyang naapula.
- Latest