Naghamon ng away, napatay

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang obrero ng hindi pa kilalang suspek matapos na ito ay maghamon ng away sa ka­nilang lugar sa Brgy. Payatas, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din ang biktima na si Vincent Deang, 30 ng 063 Bulacan St., ng nasabing lugar dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang pagpatay sa biktima dakong alas-11:45 ng gabi sa Alley Group 3, Leyte St., ng barangay ay una itong naghamon ng away sa kanilang lugar habang armado ng itak. Makalipas ang ilang mi­nuto nakarinig na nang su­nud-sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay na kung saan ay nakita nila ang biktima na nakabulagta namatay ito.

Show comments