P-Noy pinamamadali ang paglilinis sa oil spill

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagkalat ng oil spill sa 4 bayan ng Cavite na malapit sa baybayin ng dagat na kung saan ay apektado na rin ang mga kalapit na lalawigan ng Laguna, Batangas, Rizal at Quezon kung kaya’t pinamamadali ni Pangulong Benig­no Aquino III sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang paglilinis sa mga ito.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nais ng Pangulo na pagtuunan ng pansin ang clean-up opearation dahil maraming barangay na ang apektado.

Inihayag din ni Valte na nag-meeting na ang Philippines Coast Guard at ang mga kinatawan ng mga korporasyon na posibleng  may pananagu­tan sa oil spill at ma­ging ang mga opisyal ng lo­cal government units at napagkasunduan ang pagdi-dispatch ng karagdagang tugboats at marine environment personnel para mas mapabilis ang clean-up operations.

Nabatid din na bubu­buo ang PCG ng adjudication team para humawak sa imbestigasyon at madetermina kung saan ang pinaggalingan ng leak at kung sino ang dapat managot. 

May ulat na nagtuturuan ang Petron at iba pang kompanya sa nangyring oil spill kaya kasama ang mga ito sa ginawang mee­ting.

 

Show comments