May iba si misis, mister nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa hinala na mayroong ibang lalaki si misis ay ipinasya ng isang mister na magbigti kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na natagpuang patay habang nakabigti ay nakilalang si Josefino Javier, 62,  ng De Jesus St., Barangay Concepcion ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima  dakong alas-11:00 ng gabi ay nag-away sila ng kanyang misis na si Marilou dahil sa selos sa hinalang may ibang lalaki ito.

Kaya umalis ng bahay ang misis upang hindi na lumala ang gulo habang ang biktima ay umalis din at nakipag-inuman sa mga barkada at nang malasing ay umuwi na rin.

Nang umuwi naman ang mga anak ay la­king gulat nang makitang naka­bigti ang kanilang tatay sa  ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Show comments