MANILA, Philippines - Apektado nang masangsang na amoy dulot ng oil spill na peligroso sa kalusugan ng mga residente sa apat na baybaying bayan sa lalawigan ng Cavite.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense, kabilang sa mga naapektuhan ng oil spill umpisa pa noong Huwebes ay ang mga baybaying bayan ng Rosario, Naic, Tanza at Ternate.
Idineklara kahapon ni Rosario Mayor Jose “Nonong†Ricafrente ang state of calamity sa kanilang bayan bunga ng matinding epekto ng oil spill na nakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisdang residente dito.
Maging ng mga yamang dagat tulad ng mga isda, halaan, alimasag, tahong at iba pa ay hindi na rin maibenta bunga ng amoy ng langis.
“Humigit kumulang 20 km by 15 km ang lawak sa dalampasigan ng Rosario at Naic, hanggang gitna ng laot papuntang Corregidor.... Nagpapatunay ito na makapal ang dagat ng langis,†ayon naman sa report ng Philippine Coast Guard na ipinarating sa OCD.
“The samples taken of oil spill from shoreline sea is identical with the diesel fuel taken onboard Mt. Makisig while awaiting laboratory result of the sample from the Petron terminalâ€, ayon pa sa ulat.
Nakatakdang sampahan ng pamunuan ng Philippine Coast Guard ang Petron at ang Herna Shipping Transport Corp., may-ari ng M/T Makisig oil tanker kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9275 na nagpaparusa sa oil spill na panganib sa mga tao at maging sa yamang dagat bunga ng insidente.
Nabatid na mahigit 500,000 litro ng langis ang tumagas sa karagatan na nakaapekto sa Rosario at tatlo pang nabanggit na bayan sa lalawigan.
Ayon naman sa Petron Corp. na ipinoste sa kanilang facebook page, itinuro nito na ang oil spill ay posibleng galing sa M/T Makisig, ang kanilang contractor matapos itong magdiskarga ng langis sa Rosario Terminal sa Cavite. - Joy Cantos, Cristina Timbang at Danilo Garcia-