Habang nanonood ng 27th FIBA-Asia Championship… kidlat tumagos sa bintana, binata patay

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 19-an­yos na la­laki nang aksidenteng tamaan ng kidlat habang nanonood ng 27th FIBA-Asia Championship sa telebis­yon sa kanilang sala kamakalawa ng gabi sa Victorias City, Negros Occidental

Ang nasawi dahil sa tinamong matinding sunog sa kaniyang dibdib ay kinila­lang si Gidhurt Valencia, residente ng Hacienda Sagrado, Brgy. 10 ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi habang nanonood ang biktima ng basketball ng 27th FIBA Asia-Championship sa salas ng kanilang bahay nang maganap ang insidente.

Nabatid na pagkatapos kumulog ay big­la na lamang umanong kumidlat na naglagos sa nakabukas na bintana sa bahay ng biktima na sumapul sa dibdib nito.

Agad na nagkikisay ang biktima na bagaman nagawa pang isugod sa pagamutan ay nabigo ng masagip ang buhay.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na marami ng insidente nang pagkasawi ng mga residente sa lugar bunga ng tama ng kidlat.

Show comments