^

Police Metro

Malaysian trader na kinidnap ng Abu namatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Namatay sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf ang kinidnap nilang Malaysian trader habang nagawa namang makatakas ang pinsan nito matapos na makatulog ang kanyang mga abductors sa kagubatan ng Sulu.

Kinumpirma kahapon ni Col. Jose Johriel Cenabre, Commander ng Task Force Sulu ang masaklap na  pagkamatay ng bihag na si Chong Wei Fei, 33-anyos, plantation manager na  dumaranas ng sakit na diabetes at hypertension.

Nalaman ang pagkamatay ni Wei Fei matapos na makatakas nitong Martes ng madaling-araw sa kamay ng kaniyang mga abductors ng pinsan nitong si Chong Wei Jie, 26-anyos, assistant manager sa isang Palm Plantation sa Lahad Datu, Malaysia.

Ang magpinsang Malaysian traders  ay dinukot ng mga armadong Abu Sayyaf na dumayo pa ng kidnapping sa Lahad Datu noong Nobyembre 2012 at dinala  sa kabundukan ng Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF

CHONG WEI FEI

CHONG WEI JIE

JOSE JOHRIEL CENABRE

KINUMPIRMA

LAHAD DATU

NALAMAN

PALM PLANTATION

TASK FORCE SULU

WEI FEI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with