Bagong warship ng PN dumating na
MANILA, Philippines -Dumating kahapon ang pangalawa at pinaÂkabagong warship ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz (PF 16) sa Port of Subic makaraan ang halos dalawang buwang paglalayag mula sa Estados Unidos.
Pinangunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang pagsalubong sa 87 opisyal at tauhan ng barko sa pamumuno ni Captain Ernesto Baldovino nang dumaong ito sa Alava Pier ganap na ika-9:45 ng umaga kahapon.
Ang BRP Alcaraz ay dating US Coast Guard HaÂmilton class cutter at unang ginamit ng US Coast Guard Cutter Dallas bago ito isinalin sa pangangasiwa ng Pilipinas bilang Excess Defense Article sa ilalim ng Foreign Assistance Act.
Ang BRP Alcaraz ay may bigat na 3,250 tonelada na may dalawang 3,000 horse power diesel engine na may kakayahan ng mas matagal at tuloy-tuloy na tulin na mahigit sa 15 knots, at dalawang 18,000HP gas turbine na kayang magpatulin hanggang 25 knots kung kinakailangan.
Ipinangalan sa bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Officer ng Philippine Navy Commodore Ramon Alcaraz na namuno sa isang Philippine Offshore Patrol’s Q-Boat Abra (Q-112)
- Latest