Engineer nasagasaan ng tren
MANILA, Philippines - Nadulas o sadyang tuÂmalon?
Ito ang dalawang angÂgulo na sinisiyasat ng pulisÂya matapos na maÂsagasaan ng tren ang isang 23-anyos na engineer na naging dahilan ng kanyang kamatayan kahapon ng umaga sa Philippine National railways (PNR)-Beata Station, Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang biktima na nalasog matapos makaladkad ng halos 50 metro ay nakilalang si Confucius Ephraim Peralta,
no. 2623 San Jose St., Beata, Pandacan, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas 5:50 ng umaga habang paparating ang PNR train body no. 537
na pinatatakbo ni Aries Calaguas ay bigla na lamang nakitang nasagasaan at nakaladkad ang biktima.
Sa salaysay ng nakatalagang security guard na si Gerry Tingson sa nasabing station ay naghihintay ng tren na magmumula sa Tutuban station ang biktima at iba pang pasahero nang makita niyang nabitawan nito ang mga gamit at tuluy-tuloy na nahulog sa riles na siya namang pagdating ng tren.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sadyang nagpakamatay o nadulas ang biktima dahil sa basa ang platform.
- Latest