MANILA, Philippines - Bunsod ng labis na kapaguran sa ginagawang pagsasanay o traning kaya natigok ang isang miyembro ng PhiÂlippine National Police, Aviation Security Group (PNP-AVSECGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw.
Habang nasa kasagsagan ng training nang bumagsak at mawalan ng ulirat si PO2 Rex Bragancia, 34, nakatalaga sa PNP-AVSECGOUP sa Iloilo Airport.
Nagawa pang isugod sa Villamor Airbase Hospital ang biktima pero hindi na umabot ng buhay sa nasabing pagaÂmutan.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Allan Valdez ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay Police, nabatid na kabilang si Bragancia sa mga pulis na sumasailalim sa Airport Anti-Hijacking Training Course.
Sinasabing pinatakbo ang mga kalahok sa pagsasanay ng ilang kilometro dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
Nasa ikatlo at huÂling pag-ikot ang grupo ng mga pulis sa NAIA Complex nang biglang bumagsak si Bragancia.
Sumaklolo naman agad ang mga kasamahan ng pulis at binigyan siya ng “first aid treatment†bago isinugod sa hospital pero nagalutan din ng hininga ang biktima.
Sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor, lumaÂlabas na “sudden cardiac arrest†o atake sa puso ang dahilan ng pagkasawi ng biktima.