2 batang natagpuang patay sa kotse, walang foul play

MANILA, Philippines - Walang “foul play” sa pagkamatay ng dalawang bata na nawala na kala­u­nan ay natagpuang patay sa loob ng isang abando­nadong kotse sa Taguig City.

Ito ang inihayag ng Taguig City Police ma­ta­pos maglabas ng re­sul­ta sa isinagawang otop­si­ya ang National Bu­reau of Investigation Me­dico Legal at natukoy ang da­hilan ng pagkamatay ng dalawang bata na sina Dayne Buenaflor, 3 at James Naraga, 4 ay “severe dehydration” o naubusan ng tubig sa katawan.

Kaya’t sa resulta ng autopsy report ay kinu­kunsidera ng pulisya  na sarado na ang naturang kaso dahil sa pinal na resulta ng NBI.

Magugunita na ang da­lawang bata ay nai­u­lat na nawala noong Marso 27 sa harap ng ka­nilang bahay habang ang mga ito ay naglalaro at noong Hulyo 16 ay natagpuang kapwa naaag­nas na ang bang­kay ng mga ito sa loob ng nakaparadang kulay itim na Mercedez Benz (UGX-606) na pag-aari ni Boy Va­lenzuela sa Barangay Wawa ng lung­sod.

 

Show comments