^

Police Metro

Baby inabandona ng ina sa terminal

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muntik nang mapisak ng jeep ang isang sanggol na lalaki na nasa 10 hanggang 11 buwan gulang kung hindi ito nailawan habang gumagapang sa gilid ng bangketa matapos na abandonahin ng kanyang ina sa isang jeepney terminal sa Quezon City.

Sa ulat ni Barangay Kagawad Gloria Osares, dakong alas-6:10 ng gabi nang matagpuan ang sanggol na wala pang pagkakakilanlan sa may harap ng kulay brown na gate ng  Sgt. Catolos St., Brgy. Immaculate Concepcion ng jeepney driver na si Carlos Balbuena.

Nabatid kay Balbuena na pagapang-gapang sa madilim na bahagi ng gilid ng bangketa ang sanggol malapit sa isang terminal sa naturang lugar.

Nakasuot ng short ang sanggol at sa tabi nito ay may isang plastic ng SM at nakasilid ang apat na piraso ng maruming sando.

Malusog at wala namang umanong sakit ang sanggol nang ipasuri sa ospital.

Sa salaysay ng ilang jeepney driver sa lugar na isang babae na nakasuot ng maong na pantalon at polo shirt ang kanilang nasalubong na may bitbit na sanggol.

Tinanong pa umano ng mga driver ang babae kung sino ang hinahanap nito, pero hindi sumagot at naglakad papalayo.

Ilang minuto, bumalik umano ang babae at wala na ang sanggol dahilan para magtaka ang mga driver at inakala lang nilang iniwan nito sa kanyang mga kaanak.

Iimbestigahan kung tunay na ina ang nag-abandona sa sanggol o kaya ay tinangay lang ito dahil malusog ang katawan, mukhang maayos na ina­alagaan ito ng kanyang ina hindi tulad ng ibang sanggol na nagtatapon na marungis at napabayaan.

vuukle comment

BALBUENA

BARANGAY KAGAWAD GLORIA OSARES

BRGY

CARLOS BALBUENA

CATOLOS ST.

IIMBESTIGAHAN

IMMACULATE CONCEPCION

QUEZON CITY

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with