Kandidatong Tserman tinodas

MANILA, Philippines - Tinodas ang isang barangay kagawad na tatakbong tserman sa nalalapit na  barangay elections sa Oktubre nang ito ay pagbabarilin  ng isang lalaki na  nagkunwaring pasahero sa ipinapasada niyang tricycle kahapon sa Tondo, Maynila.

Nasawi noon din ang biktimang si Rainier Natividad, 34, may-asawa, ng no. 1638 Malabon St., Sta. Cruz, Maynila, tricycle driver,  at incumbent first kagawad ng Brgy. 337,  Zone 34.

Sa ulat, dakong alas-11:15 ng tanghali nang maganap ang  krimen sa Herrera St., malapit sa kanto ng Yakal sa Tondo, Maynila.

Batay sa salaysay ng mga saksi, habang nasa pilahan sila ng tricycle sa Malabon at Oroquieta Sts., sumakay ang  suspek sa tricycle ng biktima at ilang minuto pa lang ang nakakalayo nang barilin ang biktima ng suspek na pinaniniwalaang gun for hire.

Show comments