^

Police Metro

P2-M reward sa CDO bomber

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para sa ikalulutas ng kaso at mabigyang hustis­ya ang mga biktima ng pagsabog sa pambobom­ba sa Kylas Bistro Bar sa Cagayan de Oro noong Hulyo 26 ng gabi na ikinasawi ng walo katao habang 46 pa ang nasugatan ay magkakaloob ng P2-M reward ang lokal na pamahalaan ng lungsod para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa makapagtuturo sa ikaaaresto ng nasa likod ng malagim na pambobomba.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, umaasa silang malaki ang maitutulong ng nasabing reward na manggagaling sa intelligence funds ng pamahalaang lungsod.

Magugunita ng nasabing araw ay isang bomba na inilagay sa backpack ng isang lalaki na nagmamadaling lumisan sa lugar ang sumabog sa entrance gate ng nasabing bistro sa Limkethai Complex ng lungsod.

Kabilang sa nasawi ay sina Misamis Oriental Board member Roldan Lagbas, Dr. Erwin Malanay, Dr. Marciano ‘Jun’ Agustin at iba pa.

 Ayon sa opisyal, kung sinuman ang mayroong nalalaman sa malagim na pambobomba ay mangyaring makipag-ugnayan lamang sa kaniyang tanggapan upang mabigyan ng seguridad.

 

AGUSTIN

AYON

DR. ERWIN MALANAY

DR. MARCIANO

KYLAS BISTRO BAR

LIMKETHAI COMPLEX

MISAMIS ORIENTAL BOARD

ORO CITY MAYOR OSCAR MORENO

ROLDAN LAGBAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with