Operator nilamon ng makina: Helper naman pisak sa troso…
MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang machine operator nang lamunin ito ng makina na kanyang ino-operate kahapon sa Valenzuela City.
Ang nasawi ay kinilalang si Rolando Gloria Jr., 23, stay-in sa Super Sonic Manufacturing Corporation na matatagpuan sa F. Dulalia St., Barangay Lingunan ng lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:15 ng hapon ay naglalagay ng tubig ang biktima sa makina nang aksidenteng maipit ang kanang kamay nito sa roller drum.
Nagpipiglas ang biktima na alisin ang kamay sa pagkakaipit, subalit nilamon ito hanggang sa madurog ang kanyang ulo na ikinasawi nito.
Samantala, nasawi din ang truck helper na si Florencio Tulod Jr., 31, ng Libis Espina St., Caloocan City matapos na mapisak ang ulo nito at katawan nang bagsakan ng troso sa loob ng bodega ng New Lumber and Construction Supply, na matatagpuan sa A. Mabini St., ng lungsod.
Nabatid na kinakalag ng biktima ang plastic cover ng truck nang mahulog ang mga kargang troso.
- Latest