MANILA, Philippines - Bagama’t tukoy na ng pulisya ang suspek sa paÂmamaslang sa dalawang kolumnista sa Quezon City ay hindi pa umano nila maÂaring ilabas ang ibang impormasyon dahil sa ayaw nilang mapurnada ang gagawing operasyon.
Ito ang inihayag ni Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Police Chief Insp. Rodel Marcelo at ang anggulong pagtulong umano ng isa sa mga kolumnista sa isang biktima ng pamamaril ang kanilang sinisilip.
Hindi umano masasaÂbing may kinalaman ang trabaho sa pamamaslang dahil mas matimbang umaÂno ang personal na daÂhilan.
Dagdag pa ni Marcelo, nagsasagawa na ng follow-up operation ang kanyang mga tauhan para sa agarang ikalulutas ng naturang krimen. – Ricky T. Tulipat/Jam Krisette Nuñez (trainee) –