MANILA, Philippines - Mismong ang gamit na baril ang pumatay sa isang Army Major nang ito ay aksidenteng pumutok sa loob ng kanyang quarter sa 7th Infantry Division (ID) sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni Army SpoÂkesman Col. Randolph Cabangbang ang biktima na si Major Eddie Valdes, Executive Officer ng 2nd Special Forces Battalion (SFB) sa Officers headquarters ng Special Forces Regiment Airborne sa nasabing kampo.
Batay sa ulat bandang alas-9:00 ng gabi nang maÂtagÂpuan ng kaniyang roomÂmate na si Captain Jomel David ang biktima na nag-iisa sa kaniyang silid ng mangyari ang insidente.
Bago ang insidente ay nakarinig ng isang malakas na putok ng baril si David mula sa kanilang kuwarto ng biktima at ng tingnan niya ay nakita ang duguang si Valdez.
Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang dibdib na siya nitong ikinasawi at natagpuan sa tabi ng bangkay ang cal. 45 pistol na serÂvice firearm nito.
“There’s no foul play, it’s not suicide, it’s definitely an accidental firingâ€, ayon kay Cabangbang.