MANILA, Philippines -Isang 25-anyos na buntis na ginang ang nagsilang ng kanyang sanggol na lalaki sa platform ng Blumentritt Station, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT-Line 1 ang nagsilang na si Lea Luviano, ng no. 479 Gerona St., Tondo, Maynila.
Batay sa ulat, papasakay ang babae sa LRT-BluÂmentritt Station kasama ang kayang mister na si Elias para magtungo sana sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital nang makaramdam ng matinÂding paghilab ng tiyan at magsimulang mag-labor hanggang sa hindi na napigilang ilabas sa sinapupunan ang sangggol dakong alas-9:40 ng umaga kahapon.
Hindi na rin tumuloy sa nabanggit na pagamutan at sa halip ay inihatid na siya ng mga guwardiya at volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) na nakatalaga sa LRT, sa Tondo General Hospital kung saan iniwang nasa maayos na silang kondisyon.
Ayon naman sa pamunuan ng LRT na may
kaÂÂÂbuuang 14 bata ang naipapanganak sa loob at platform ng Light Rail Transit (LRT) station at ang huling may nangaÂnak ay sa loob mismo ng umaandar na tren noong Mayo 22 at nang mailabas na ang bata ay ekÂsakÂtong umabot na ang tren sa LRT-Doroteo station.