MANILA, Philippines -Napatay ng tropa ng militar ang anim na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ilan ay hinihinalang matataas na opisyal kabilang ang isang amasona sa naganap na engkuwentro sa Purok Santan, Brgy. Bobon II, Camiling, Tarlac kamaÂkalawa ng gabi.
Ayon kay Army’s 703rd Infantry BrigaÂde Commander Col. Henry Sabare, dakong alas-9:45 ng gabi nang ideploy ang tropa ng 3rd Mechanized Company sa pakikipagkoÂorÂdinasyon sa lokal na pulisya matapos makatanggap ng impormasyon sa presensya ng siyam na mga armadong rebelde sa lugar.
Pagsapit sa lugar ay agad namang pinaputukan ng mga rebelde ang tropa ng militar na nagresulta sa bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang oras at dito ay anim sa mga rebelde ang namatay at ang bangkay ay narekober sa encounter site.
Kabilang sa narekober na bangkay ay isang amasona, isang Aeta at apat na kalalakihan.
Walang naiulat na nasugatan sa mga sundalo at narekober rin ang walong mga armas na kinabibilaÂngan ng isang M60 machine gun, isang M14 rifle, dalawang baby armalite at apat na M16 rifles.