MANILA, Philippines -Naniniwala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villegas na nagkakaroon ng papel ang Simbahang Katoliko sa korapsyon dahil sa panghihingi ng pondo o donasyon sa mga pulitiko mula sa PrioÂrity Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga ito.
Kaya’t sa ipinalabas nitong pastoral letter sa lahat ng Simbahang Katoliko ay nanawagan ito na huwag nang manghingi ng anumang pabor o pondo sa mga pulitiko kasabay na rin ng P10-bilyong pork barrel scam.
Dapat aniyang maging panuntunan ng mga church-based organizations at institutions ang “Walang Hihingi!â€
Tulad ng paghingi ng mga kandila, basketball uniforms hanggang sa semento sa kalsada.
Dapat aniyang maging malinaw ang fund-raising projects ng simbahan para walang bahid ng anumang katiwalian. Ayon naman kay CBCP Commission on Public Affairs Chairman Bishop Deogracias Iñiguez, dapat nang magising ang lahat sa kalakaran at dapat aniyang pag-aralang mabuti ang batas tungkol sa pork barrel upang sa tunay na nangangailangan mapupunta ang pondo.