Dating deputy Ombudsman, 2 pa nameke ng dokumento
MANILA, Philippines - Dahil sa umano pameÂmeke ng official documents ay pinakakasuhan ng kriminal ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni, dating Assistant Ombudsman Nennette De Padua, at dating Executive Assistant Rosalyn D. Martinez
Sa isang resolusyon na nilagdaan ni Morales, nakasaad dito na nakakita siya ng probable cause para maidiin ang mga akuÂsado sa 13 counts ng Falsification of Public Documents at 56 counts ng Infidelity in the Custody of Public Documents .
Napatunayan din ng Ombudsman na si JalanÂdoni ay liable sa kasong Grave Misconduct at Conduct PreÂjudicial to the Best Interest of the Service kayat dapat itong masibak sa puwesto, makansela ang eligibility, pagkumÂpiska sa retirement benefits at di maaring huÂmawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Dahil sa nagbitiw na sa kanyang posisyon si Jalandoni noong April 2011, pinatawan ito ni Ombudsman Morales na magmulta ng kasinghalaga ng sahod nito sa loob ng isang taon.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Overall DeÂputy Ombudsman Orlando Casimiro na nagÂsaÂsabi na ang mga akusado ay nagÂsabwatan sa desisyon, resoÂlusyon, kautusan at iba pang official documents noong nasa puwesto pa sila sa Ombudsman noong panahon at iutos pag-imbentaryo sa mga naka-pending na kaso matapos magbitiw sa tungkulin si Ombudsman Merceditas Gutierrez.
May 56 kaso ng tampering ang nadiskubre dito na nagresulta ng pagka-delay ng pagpapalabas sa mga naaprubahang mga dokumento at 13 dito ay may patches na nilagdaan ni Jalandoni.
- Latest